30th January, 2012

Lolololohan.

posted 4 months ago

January 30th. Namatay na yung taong tinuring kong lolo kasi nga sabi nila nung bata pa ako, lolo ko daw yon. So ayun, namatay siya dahil sa sakit sa atay. Hindi ko talaga alam kung ano yung sakit nya. Natatandaan ko pa noon na “Bigan” at “Igan” ang tawag nya saken. Parang bati yon kapag nagtatagpo ang landas namin sa kalye. Tapos natatandaan ko pa yung amoy nya. Yung parang amoy ng matanda. Hindi ko madistinguish. Pero parang aromang pangmatanda na ewan. So ayun. Wala na sya. Hindi na ako dumalaw sa burol kasi nga nahihiya ako at wala din akong kasama pero napag-alaman ko na isa pala syang Master Sargent(MSgt.). Paalam po. 

27th January, 2012

Ulan.

posted 4 months ago

January 28th. Naulan ngayon. Maraming tao ang ayaw sa ulan. Dahil pwede ka daw magkasakit kapag naulanan ka, mababasa ka, at mababasa pati mga dala mo. Meron din naman mga taong gusto ang ulan at kasama ako doon. Gusto ko kasi yung tunog ng ulan. Pwede mo kasi yong ibagay sa kahit anong soundtrip na gusto mo. Hindi yon mamimili. Try mo. I-play mo to: http://www.youtube.com/watch?v=1pSyYhRYeIM tapos sabayan mo ng kahit anong kantang gusto mo. Pero pinaka dabest yan kapag acoustic yung kanta tapos Medyo mellow. Additional tip lang, hinaan mo ng konti yung kanta na gusto mo. Basta dapat mas malakas yung ulan tapos medyo mahina yung kanta mo. Para marinig mo yung ulan. Kapag kasi pareho sila ng volume, baka hindi mo na marinig yung ulan. Nakakarelax. Happy listening!

Hey, I want you to know that

posted 4 months ago

theskullcandiii:

  • I miss you.
  • I still love you.
  • I care about you.
  • I’m always wondering if you ever think about me too.
  • I’m waiting for you.
  • I’m always here for you.
  • I like you a lot.
  • I never wanted to say “Goodbye”
  • I want to hear your voice again.
  • I want to hold your hand.
  • I’m sorry..

Tampo.

posted 4 months ago

January 27th. Nagtampo ako kanina. Mali yon. Ewan. Nadala ako ng emosyon kong walang kwenta. Nakakyamot. Imbes na sumaya ay nalungkot pa tuloy ako at nadamay sya. Nakakayamot! Dapat hindi ako nagtampo. Patawad.

26th January, 2012

HEY DAD!

posted 4 months ago

January 26th. Birthday ng Tatay ko ngayon! Yehey! HAPPY BIRTHDAY PO! I LOVE YOU PO! Kahit na hindi ka na namin kapiling, alam naming kapiling mo na si Lord. Kaya HAPPY BIRTHDAY PO ULET! :D I’m always prouc to be your son!

24th January, 2012

Coffee Break.

posted 4 months ago

January 24th. Gusto mo ba ng kape? Bili ka na lang.
  ♥       
  )
 ((
  ))
 (((
  )))
|__|D  

Para sa kanya lang kasi itong kapeng ginagawa ko eh.

Salamat Anne! :D

posted 4 months ago

January 24th. Ako ang nagpahanay sa mga BMOCCS. Wala lang. Gusto ko lang itry. Para ma-iba naman. Lagi nalang kasi sila pero dahil trip ko kanina, ako nagpahanay. So ayun, hanay, tapos konting commands, tapos konting practice, tapos konting tips tapos umalis na ako. Nakakapagod ng boses eh. Baka mastress pa yung mga vocal chords ko. So ayun, tambay muna sa may flagpole. Kwentuhan with officers tsaka sina Lara Mae(ekasibata) at si Anne(secret is her url.). Masaya naman. Tawa, tanong, kwento. Pauwi na sila. Hinabol ko si Anne dahil sa isang tanong. Tapos yun, sabi nya, tingnan ko daw yung pockets ng bag ko. Bakit? May binigay daw sya. At eto yun!

Medyo inedit ko para…wala lang. Ang ganda kasi ng gawa nya! Yun lang. Paalam! SALAMAT ANNE!

BUSY?!

posted 4 months ago

January 24th. Medyo nagiging busy ako ngayon dahil 4th Grading na. Eto yung panahong konti na lang yung panahong gugugulin mo sa eskwelahan pero santambak na gawain ang ipapagawa sa inyo ng teacher mo. Tapos minsan, kapag isa ka pa sa mga event organizer eh kulang na lang magcutting ka kasama yung teacher mo. Pero okay lang yan. Masaya naman. Matatapos din naman ang bawat araw. Paalam.

20th January, 2012

Yehey!

posted 4 months ago

January 21st. Nagpunta ako sa bahay ni Dr. Baylon para magpade-worm ng tuta. Late ako ng almost 1 hr. Nakakahiya pero buti na lang hindi nya yon pinansin. So ayun, nagsimula kami sa pamamagitan ng pagtitimbang kay Buchay(yan ang pangalang ng tuta ko). 2 and 3/4 ang weight. Tapos pina-inom na si Buchay ng gamot then its done! Lumabas si Anne ng bahay nila. Lumapit kay Buchay tapos hinawakan sabay sabing “Ang cute cute! Ang lambot ng fur!” Tapos tinuruan ako kung paano ako magpapainom ng vitamins. Uwian na. Sabi ng father ni Anne na ihahatid nya nalang daw ako. Pumayag nalang ako pero deep inside ayoko talaga. Nahihiya kasi ako ng sobra. Late na nga ako tapos ihahatid pa nila ako. Pero sa huli nagpahatid na lang ako. Habang nasa sasakyan, nagtanong-tanong ako para naman hindi bahay ng crickets yung kotse ng Mommy ni Anne dahil sa sobrang katahimikan. So ayun, konting payo ulet galing sa experts then uwian na talaga. Babay! :D

Hey It’s Saberday!

posted 4 months ago

January 21st. Ngayon ang araw na itinakda upang ipade-worm ko ang aming tuta. 9 AM dapat andun na ako kaya lang ngayong mga oras na ito ay wala pa ang aking Ina. Nako! Malalate ako. Nakakahiya. Excited pa naman akong umalis kanina. Hay. Kailangan talagang maghintay. Osige po! Paalam!

P6.

posted 4 months ago

January 20th. YEHEY! Yan lang ang masasabi ko dahil natapos ko na yung report ko sa Physics! Elibs si SIR! Salamat sa mga constituents ko! :D

18th January, 2012

P6.

posted 4 months ago

January 18th. Natapos ko na yung Powerpoint presentation ko para sa report ko sa Physics na bukas na ata magaganap. Meron na akong extra notes para sa mga tanong ng paborito kong guro. Masaya naman ako sa resulta ng presentation ko. Ewan ko lang kung madedeliver ko ito ng ayos dahil sa hindi ako marunong mag salita sa harap ng maraming tao tsaka I eat what I say kapag kabado ako.

Yehey!

posted 4 months ago

January 18th. Masaya ako ngayon. Kahit may konti pang problema pero alam kong malalampasan ko din yon. Nandyan kasi lagi si Lord sa tabi ko. Masaya ako dahil masaya ako. Bawal kumontra.

17th January, 2012

Yakap.

posted 4 months ago

January 17th. Nagform. Ayoko sanang umattend pero dahil sa promise namin sa aming corporal commander last year, umatend parin ako. Aalis na kasi sya. Hindi ko matanggap. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang bagay na ito. Tawa saglet tapos simangot. Mukha akong baliw. Niyakap niya ako bago siya umalis at niyakap ko rin sya. Ayoko syang bitawan pero kailangan na talaga. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko ng isang mahigpit ng YAKAP.

16th January, 2012

The Feeling.

posted 4 months ago

January 16th. “Paalam Sir.^________^”. Ayokong marining yan. Hindi pa ako handa. Yun bang sobrang saya mo tapos kapag narinig mo yan eh parang magugunaw ng yung mundo mo. Sana matanggap ko na mga bagay-bagay.

 

Copyright © 2009 Me, Myself and I All rights reserved.
TumbleDesk Theme by Dave & Laptop Geek.